Nanginang yan. Ang sarap kasi kumain eh. Pero mahirap talaga kumilos pag maraming sagabal na bilbil na kumakalembang sa iba't-ibang sulok ng katawan mo. Not to mention yung hirap ng pagbibihis to the point na pagpapawisan ka nang husto maisuot mo lang ang straight cut na maong mong naging skinny jeans na sa sikip sa laki ng patang idinagdag mo.
Tapos sabihan ka pa ni Ser na mag-diet ka na.
Dagdagan pa ni Kamote ng "hindi ka na papayat, Ma!"
Dyaskeng bata yun. Nakakapangilabot kung magsalita. Ako, hindi na papayat? Hmmph! Watch me! (Lunok!)
Read more...